Litrato
Sa aming paglisan ang litrato ang laging di maiwan
Laging kasama sa ano man laban ng buhay
Kapag nalulumbay o napapagod litrato ang hinahawakan
Napapailing o napapangiti sa katitig ng mga litrato ng mga naiwan
Kapag napagalitan ng among panga-api ng dayuhan
Uupo na lang sa isang tabi at ang isang munting litrato ay aming tangan
Larawan ang sumbungan sa lahat ng paghihinagpis ng buhay
Kinakausap hanggang makatulog ng tuluyan
Buti na lang nandyan ang litrato
pangpawi ng inis at lumbay na nararamdaman
Di na lang papansinin ano mang pangaaping naranasan
Dahil sa mga mata ng mga nasa litrato na nagsasabing
“kami’y naghihintay at lagi mo karamay sa ano mang laban ng buhay”
Taon man ay lumipas litrato pa rin ay maasahan
sa paggabay ng buhay ng aming mga minamahal
Nasusundan ang paglaki ng mga anak at apong naghihintay
Maraming okasyon ang dumaan aming pinanghihinayangan
Dama ang kirot sa aming dibdib na di kami kasama sa mga bagong litrato ng aming mga mahal sa buhay
Ngunit kita sa aming mga mata na may halong saya
Kapag nakikita sila’y malulusog at masasaya sa bawat
piraso ng litrato na aming natatanggap at napagmamasdan
Sa aming pakikibaka sa buhay litrato ang pangpalakas sa buhay
Lagi nagpapaalala na kami’y may pinaglalaanan ng lahat ng sakripisyo na aming pinagdadaanan.
Lagi may bakas ng ngiti sa mga labi kapag ang litrato ay
aming tangan at laging handa sa ano man laban
Sa aming manlalakbay malaki ang bahagi ng litrato
Litrato ang aming gabay sa araw araw dito sa malayong lugar
Kung saan naghahanap buhay para sa mga mahal sa buhay


can i add you as a friend?
Posted by: joycie | February 17, 2008 02:16 AM