Ang Umalis ng Sariling Bayan
Umalis sa aking bayan upang baguhin ang aking pamumuhay
Halo-halong nararamdaman ng umupo pa lang sa eroplanong aking hinintay Naiiyak na parang bata at ang hanap ang nanay pati rin ang tatay
Tinititigan ang pintuan di mawari kung tatalikuran and bayang naghihintay at unti-unting umangat at umalis ng tuluyan ang eroplanong
aking sinasakyan
Nakarating ng maayos sa bagong bahay
walang makakasama at walang karamay
takot ang bumalot at pagaalala kung paano makakaya
sinusubukan na lang na umasa sa gabay ng Dyos at may
dasal na kasama
pinipilit na maging masigla at para di mabato nababawasan ang pagaalala at nakakapadala ng konting balato mga tsokolate, de lata at kape at kung sinuwerte may kasama pang pabango Konting pera ang isasakripisyo para magkaron ng bahay at lupa na bato at itutuloy ang kontrata hanggang mabuo ang pangnegosyo
unti unting nakakasanayan ang buhay na ganito
Di maiwasan minsan ang lungkot na dumadaan
Iiyak ka na lang at matutulog kung kinakailangan
Para di matuluyan na masiraan
mugto ang mata kinaumagan at maliligo para mapreskuhan
Patuloy na lumaban para makayanan and lahat ng karanasan
na di maiwasan
Nakakalungkot ang mga pinagdaanan
Marami ang gustong matikman
Katulad ng baboy na sinigang o kinamatisan
Pati pansit ni aling Beng na nakakatakam
ultimong adobong pusit na malinamnam
Amoy ng tuyo na may hiniwang kamatis sa umagahan
Yan ang mga nakakapanghinayang habang wala ka sa sariling
bayan
Walang magagawa kundi maghintay
At magpasalamat sa may bigay ng bagong buhay
At nawa’y maibalik ko ang lahat ng bigay
Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at nangangailangan
Walang katapusan pasasamat at tayo ay napagbigyan sa
ganitong buhay
At balang araw gusto ko makita ng Poong mahal kung gaano ko
pinahalagahan ang lahat ng biyaya na aking natikman
Sana'y sa lahat na nagsusumikap at malayo sa mga minamahal
Wag mawalan ng pagasa ikaw din ay balang araw ay
mamahinga
wag lang sayangin ang mga kinita at purihin ang Dyos sa lahat
ng bigay nya
Di niya tayo pinabayaan mula sa araw ng ating paglisan
hanggang sa makabalik sa ating bayan
Kungdi sa iyong gabay di ko sana narating itong aking
kinalalagyan
Maraming Salamat po aking panginoon sa lahat ng mga biyaya
na iyong binigay


Comments