« In Time of Darkness | Main | Ang Umalis ng Sariling Bayan »

May 24, 2007

Angulo ng buhay : iba't ibang pinoproblema

Walang ibang hiling ng bawat isa sa atin kundi ang buhay na walang kasing saya at walang problema
subalit ang problema’y laging kasama at dala dala habang buhay pa
Nandyan na iiyak ka o sisihin ang iba


May kasabihan nga “problema ay tawanan”
pero minsan di ka naman makatawa sa hirap maresolba
Iba’t ibang problema ang dadaan
susubukan ang iyong lakas kung hanggang saan


Nandyan ang wala kang makitang mapagkakakitaan
para kumita ng malaki para matugunan ang pangangailangan
Ang iba naman walang matitirhan kundi nasa bangketa lamang
Init at lamig kinatatakutan dahil masakit sa kalamnan


Meron pa ngang walang wala maipasok sa nangangalam na tyan subalit ang iba’y  walang tigil sa kakain
hanggang si Calayan ayaw ng tantanan


Iba’t ibang pampaganda ang pinagkakagastusan
para maging kamukha nya si Madonna o Sharon Cuneta
Di na nakuntento kung anong taglay nya
imbes na gumanda ay naging bruha


Marami din ang maykaya walang ginusto na di makuha
lahat ng luho ay nakakamit nya
di nya namalayan lahat ng yaman nya nalustay na


Sa mga binata’t dalaga ang gusto ay makahanap ng makakasama
di rin magtatagal at naghahanap ng iba
hanggang di na makakita ng magmamahal sa kanya


Ang iba pa nga ay buti nakapagasawa
away at murahan ang ginawa sa buhay
na pinangakuan na sila’y magsasama sa hirap at ginhawa


Maraming trabaho ang naghihintay sa kanya

sya naman ang ayaw at walang ambisyon sa buhay nya Pinakamataas na position ay napasakanya di inayos
Hangang nakasuhan ng pagnanakaw sa kumpanya


Mas malupit ang gustong guminhawa
at subukan na makapunta sa ibang bansa para kumita nabiyayaan sya ng dolyares na makakapasaya ng pamilya
di rin naglaon nakahanap ng iba
asawa’t anak ay kinalimutan na at lahat ng nais para sa kanila ay naging walang saysay dahil iba ang inuna


Kung lahat ng problema ay ilalahad para mapagtanto
kung saan, kanino at paano nagsisimula ang mga ito
Laging hinuhuli ang pagsisi at di bale sumaya ka naman kahit minuto
Masasabing may solusyon at leksyon  ang dulot nito
Pero hanggang kaylan ka matututo
Nawa’y lahat tayo ay magising sa mga dagok  ng buhay na ito Upang tayo’y makatulong sa sinasabing pagbabago ng buong pagkatao


At kung problema’y balakid sa buhay para maging maligaya harapin, kayanin at alamin kung ano ang ipinapahiwatig ng problema
At higit sa lahat isama ang Dyos na may awa at may bigay ng mga biyaya
at laging nagpaparaya na di maalala kapag tayo ay di namomroblema…
Problema’y mareresolba kung lagi tayong tatawag sa kanya Dyos lagi ang makasama sa lahat ng problema na ating inaaala.

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .


My Photo

February 2008

Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
          1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29  
Powered by Friendster Blogs